Paraluman


       Noong unang panahon ay halos hindi mahagilap ang karapatan at kalayaan ng mga kababaihan. Mapa-bata man, kabataan o matatandang mga babae ay pinagkaitan ng pagkakataon na tumayo sa kanilang mga sariling paa at ang tingin nila sa mga babae ay parang mangmang o alipin lamang. Ngunit sa paglipas ng siglo, dekada at taon ay tuluyan nang nabago ang kapalaran ng kasalukuyan at naging matibay ang karapatan at kakayahan ng mga kababaihan.

   Mula noong 1987, ang Marso ay itinalaga bilang Buwan ng Kasaysayan ng Kababaihan sa Estados Unidos bilang isang panahon upang kilalanin ang mga tagumpay na nagawa ng mga kababaihan sa kasaysayan, kultura, at lipunan. Ang Marso 1 hanggang Marso 31, 2023, ay kikilalanin bilang Buwan ng Kasaysayan ng Kababaihan. Ang Buwan ng Kasaysayan ng mga Kababaihan ay isang nakatuong buwan upang pagnilayan ang madalas na hindi napapansing mga kontribusyon ng kababaihan sa buong mundo.

        Ang halaga ng pagdiriwang na ito ay upang bigyang pansin ang mga tagumpay ng kababaihan at talakayin ang patuloy at umuusbong na mga isyu at alalahanin, hamon, at pangako ng kababaihan sa pagbibigay-kapangyarihan at pagkakapantay-pantay ng kasarian.


       Tayo ay nabubuhay na sa modernong panahon at ang ilang mga dating kagawian at paniniwala tungkol sa mga babae ay hindi na nabubuhay sa ngayon. Sa henerasyong ito, mas tumibay at naging matatag ang mga kababaihan kung kaya't ito'y nakakagalak dahil hindi na tayo bihag ng mga kalalakihan at hindi na tayo nakakulong sa hindi pantay na pakikitungo ng mga iba. Kaya na ng mga babae ang tumayo sa kanilang sariling paa at walang sinusundang anino ng mga kalalakihan. Ito ang modernong panahon.



...ito na ang mga paraluman ngayon. 

Reference:

https://images.app.goo.gl/YR7jbbZRf5fBiNFVA

https://images.app.goo.gl/JiGcco5gpqqADDQQ6



Comments

Popular Posts